Saturday, January 30, 1999

Nandito na kami sa D&B Resort sa Pansol, Laguna. Sabi ng mga batch mates ko, Dyokla at Bading Resort daw. Nagpapahinga kami pagkatapos ng isang masayang activity kung saan sa tulong nina Don at Buddy, mga facilitators, ikinabit namin sa isang Manila paper ang mga pangalan ng tao, lugar, emosyon, at kung anu-ano pa man ang unang naisip namin pag nababanggit ang Man, Woman, Love, Sex, etc. Masaya ang rambulan habang nag-uunahan kami sa pagkabit ng aming mga napiling pangalan ng bagay, sitwasyon, karakter o tao na nauukol sa mga salitang nabanggit.

Naku, seryoso na ako. Dahil ba sa bad news? Hmmm

Neknek niya. May jowa na pala ang gaga. At take note, may singsing na sila. Anim na taong lumalagapak ang pagiging mag-asawa ng dalawang lintik na mga baklang yan. Pero di bale, marami pa namang ibang cute sa batch namin. Pero sya nga talaga ang feel ko at halos lahat ng mga cute dito, taken na. The rest ay kundi pa-girl na magaganda, pa-girl na mga chaka. Ching lang! Bitter ampalaya amargozo ba ako?

Ang mabuti pa, i'll just enjoy the rest of the workshop. Dedma na sa lahat ng mga cute na may sabit na katulad ko (may sabit ba ako?). Ayoko rin namang mabansagang anaconda ano.

Magpaahas na lang kaya ako? Pero kanino? Sa facilitators?

Dumating na si Jorge. Muntik na nga niyang mabasa itong sinusulat ko kung di ko naitago kaagad nang dumating siya. Ang aga rin ng gago. Excited din kaya?

Nasa CR sya ngayon. At, katabi ko siya dito sa bus!! O di ba?

Ang guwapo talaga niya. (Goodbye Marc?!!)

Tang-ina! Pinagpapawisan pa yata ako sa aircon ng bus na ito. At ang lakas ng kaba ko. Namumutla na kaya ako? Para akong

Andyan na, pabalik na sya

Nandito na ako sa maliit na restoran sa kanto ng Malvar at San Marcelino. Nasa harap ng tindahan ang opisina ng THF. Dalawa pa lang kaming participants na nandito. Efren yata ang pangalan ng co-participant kong yun. Pa-girl ang gaga. May patingin-tingin pa ng pa-sweet sa akin. Sori, gusto ko sanang tsuk-tsakin, "paraho tayong girl no. kaya lang pa-mhin ako ngayon dahil may crush akong pa-mhin din. at huwag kang magkakamaling agawin sa akin
Tang ina! Di ako makatulog sa sobrang excitement. Mamayang tanghali na yun. Kaya ko nga kayang tabihan siya?

Thursday, January 28, 1999

Wala na akong iniisip kundi siya lang. Nakakahalata na kaya si Marc?

Wala na rin akong maisip na isulat dito. Ano ba naman ito? Para akong nasa high school. . . Eh kaso, nung high school hindi pa puwedeng maramdaman ito.

Wednesday, January 27, 1999

Banta ng Bintana sa Buwan
II. Labing-isang Buwang Matulin, Matinik man ay Masakit pa rin

Tama bang ako ang magpakilala sa kanya?

Wala naman sigurong masama. Panahon na ring i-involve ko ang aking sarili sa ganitong sitwasyon. Matagal na akong nakakahon. Naghihintay palagi kung sino ang magkakagusto. Kaylanman ay di na ‘ko naunang humakbang sa pagpapakilala. Nararapat lang sigurong lumabas at lumikha ng sariling daan. Pero pa’no kung dedmahin ako? De-dedmahin ko rin ba o babatiin ko pa rin?

Marami na akong katanungan. Halimbawa, saan kaya siya nakatira? Ano kayang contact numbers niya? Ilang taon na kaya siya? Siguro mid-20s. Ilan kaya silang magkakapatid? Kumusta naman kaya ang pagsasama ng mga parents nya? Papayag kaya siyang makipag-date sa akin? Saan kaya siya nagwo-work-out? Meron kaya siyang sasakyan? Maganda kung meron. May jowa na kaya siya? Top ba siya o bottom?

Marami na nga akong tanong at mahirap nang isulat lahat dito yun. Baka di pa natatapos ang taon ay puno na itong journal ko ng mga tanong. Chap yun. Sayang ang papel. Kahit na pakiramdam ko ay makakabuo kaming dalawa ng isang kakaibang kuwento ng pag-ibig. Di ba bongga?

Ang bitin naman kasi ng tatlong tanong na pinasagot sa amin kanina sa orientation. Medyo pa-cute pa ang mga sagot namin. Pangalan. Trabaho. Mga interes.

”I’m Pura, 25 years old. I’m involved with an NGO as a computer analyst. I like poetry. I’m into Tori Amos, Sarah McLachlan, Bjork, Fiona Apple, and the likes. But my favorite song in the world right now is April Boy’s “Esperanza” theme song ng soap operang pinagbibidahan ni Juday na kapatid ni Marvin na tatay si Bembol Roco na feel na feel ko ang makinis na makinis niyang ulo” (Anong koneksiyon?)

Who told you about the HIV Awareness Workshop? Simple,

“Kaibigan ko from our prayer group. Prayer group daw o? Mga banal naman kasi kami. Actually, pick-up group siya. Charing! Banal nga kasi may paluhod-luhod pa kaming ginagawa.”

Tawanan dapat sila. What is your most favorite part of a man’s body? Simple uli,

“Ulo. Especially mga ulong katulad ng kay Bembol na makinis at matigas. It doesn’t need a decent explanation dahil yun na yung explanation niyang di kahina-hinalang disente nga.”

Taray. Pang – Miss U ang byuti ko.

Pero tang-ina, wala ako sa room nang nag-introduce siya. Bwisit kasing Marc yun, page nang page. “Hi. If you are not with somebody, please call me at 7234192. I’ll be waiting, unless you don’t want me to. I love you.” Syempre, tawag naman ako dahil di ba siya ang frequent date ko ngayon? Ayaw nga sana niya akong pasalihin sa workshop dahil baka raw may mahanap akong pamalit sa kanya. Sabi ko naman, ikaw lang ang gusto kong date sa mga panahon ngayon ever. At wala akong balak na maghanap ng ibang date no. Well, di ko naman akalain na makikilala ko si Jorge.

Buti na lang naitanong ko kay Vincent ang pangalan ni Jorge, kung hindi...

Basta sa Biyernes, tatabihan ko siya sa bus. Bahala na. Di ako titigil hangga’t di ko siya nagiging kaibigan. Mas gwapo nga sya kay Marc. Maganda ring ngumiti. Lalo na kapag sumisingkit ang mala-Hapon niyang mga mata. Ang sarap-sarap niyang titigan. Hay naku, mai-in-love lang yata ako sa pa-workshop na ito ng The Kitchen Foundation. Pero dapat di ako mag-expect ng kung anu-ano. Kunyari, cool lang ako. Fingers crossed, makakatabi ko si Jorge sa bus sa Friday.

Goodluck sa akin!