Monday, December 20, 1999
I. Nabubugnot ang Kasalukuyang Panahon
5 p.m.
Wala nang magawa sa aking pagkabugnot ang mga nagdaang araw. Pagod na maging ang panahon sa patuloy na pagtitig sa akin ng kawalan. Hinayaan na lang akong natutulala sa higaan. Nakanganga. Bukas na bukas ang mga mata. Hindi na nga ako makapag-isip sa halos tatlong linggo na ring inom, tulog, kain, tv, sulat sa journal, basa ng journal, tulog uli, kain uli, inom uli, journal uli, tv uli, tulog na naman, inom nang magdamagan; patuloy ang mga araw na ganun lang ang aking ginagawa sa mahabahabang paglalakbay ng panahon.
Para na akong bilanggo
na walang bagong magawa
Ikinulong ang aking sarili
sa apartment na ito
Papano na ang aking paglaya
Sa pamamagitan kaya ng lagablab ng apoy
ng rumaragasang tubig
o ng mga batong nag-uumpugan
Ewan Bahala na
Basta ang gusto ko
Katahimikan
Wala na sanang gulo
Mapalad ako sa kapayapaang ito
Umaga man o gabi
kung wala ang ingay ng tv
awit ng mga kuliglig na lang ang aking naririnig
Tula na ang nasulat ko. Tulang wala na sigurong makakabasa. Maging mga kaibigan ko.
Hinahanap na rin kaya nila ako? Nagtataka na kaya sila kung bakit bigla na lang akong nawala sa 'ika nga, sirkulasyon? Pero tatlong linggo pa lang akong nawawala. Masyado pang maaga para mapansin ang aking pagkawala.
Teka, bakit ko ba pinagtutuunan ng panahong mag-isip kung nami-miss nila ako o hindi? Wala na akong pakialam. Di ba hiyaw na ng hiyaw ang aking telepono pero pinili ko pa ring huwag patahanin ito. Pati ang pager ko, di ko na pinakain ng baterya. Gusto ko lang talagang manahimik muna pagkatapos ng...
Basta, I want my fair share of peace. I need it before I do...
Kailangan ko ito, bago ko gawin ang nararapat na mga hakbang para sa isang katapusan.
------------
Saturday, January 30, 1999
Naku, seryoso na ako. Dahil ba sa bad news? Hmmm
Neknek niya. May jowa na pala ang gaga. At take note, may singsing na sila. Anim na taong lumalagapak ang pagiging mag-asawa ng dalawang lintik na mga baklang yan. Pero di bale, marami pa namang ibang cute sa batch namin. Pero sya nga talaga ang feel ko at halos lahat ng mga cute dito, taken na. The rest ay kundi pa-girl na magaganda, pa-girl na mga chaka. Ching lang! Bitter ampalaya amargozo ba ako?
Ang mabuti pa, i'll just enjoy the rest of the workshop. Dedma na sa lahat ng mga cute na may sabit na katulad ko (may sabit ba ako?). Ayoko rin namang mabansagang anaconda ano.
Magpaahas na lang kaya ako? Pero kanino? Sa facilitators?
Nasa CR sya ngayon. At, katabi ko siya dito sa bus!! O di ba?
Ang guwapo talaga niya. (Goodbye Marc?!!)
Tang-ina! Pinagpapawisan pa yata ako sa aircon ng bus na ito. At ang lakas ng kaba ko. Namumutla na kaya ako? Para akong
Andyan na, pabalik na sya
Thursday, January 28, 1999
Wednesday, January 27, 1999
II. Labing-isang Buwang Matulin, Matinik man ay Masakit pa rin
Tama bang ako ang magpakilala sa kanya?
Wala naman sigurong masama. Panahon na ring i-involve ko ang aking sarili sa ganitong sitwasyon. Matagal na akong nakakahon. Naghihintay palagi kung sino ang magkakagusto. Kaylanman ay di na ‘ko naunang humakbang sa pagpapakilala. Nararapat lang sigurong lumabas at lumikha ng sariling daan. Pero pa’no kung dedmahin ako? De-dedmahin ko rin ba o babatiin ko pa rin?
Marami na nga akong tanong at mahirap nang isulat lahat dito yun. Baka di pa natatapos ang taon ay puno na itong journal ko ng mga tanong. Chap yun. Sayang ang papel. Kahit na pakiramdam ko ay makakabuo kaming dalawa ng isang kakaibang kuwento ng pag-ibig. Di ba bongga?
”I’m Pura, 25 years old. I’m involved with an NGO as a computer analyst. I like poetry. I’m into Tori Amos, Sarah McLachlan, Bjork, Fiona Apple, and the likes. But my favorite song in the world right now is April Boy’s “Esperanza” theme song ng soap operang pinagbibidahan ni Juday na kapatid ni Marvin na tatay si Bembol Roco na feel na feel ko ang makinis na makinis niyang ulo” (Anong koneksiyon?)
Who told you about the HIV Awareness Workshop? Simple,
“Kaibigan ko from our prayer group. Prayer group daw o? Mga banal naman kasi kami. Actually, pick-up group siya. Charing! Banal nga kasi may paluhod-luhod pa kaming ginagawa.”
Tawanan dapat sila. What is your most favorite part of a man’s body? Simple uli,
“Ulo. Especially mga ulong katulad ng kay Bembol na makinis at matigas. It doesn’t need a decent explanation dahil yun na yung explanation niyang di kahina-hinalang disente nga.”
Taray. Pang – Miss U ang byuti ko.
Pero tang-ina, wala ako sa room nang nag-introduce siya. Bwisit kasing Marc yun, page nang page. “Hi. If you are not with somebody, please call me at 7234192. I’ll be waiting, unless you don’t want me to. I love you.” Syempre, tawag naman ako dahil di ba siya ang frequent date ko ngayon? Ayaw nga
Buti na lang naitanong ko kay Vincent ang pangalan ni Jorge, kung hindi...
Basta sa Biyernes, tatabihan ko siya sa bus. Bahala na. Di ako titigil hangga’t di ko siya nagiging kaibigan. Mas gwapo nga sya kay Marc. Maganda ring ngumiti. Lalo na kapag sumisingkit ang mala-Hapon niyang mga mata. Ang sarap-sarap niyang titigan. Hay naku, mai-in-love lang yata ako sa pa-workshop na ito ng The Kitchen Foundation. Pero dapat di ako mag-expect ng kung anu-ano. Kunyari, cool lang ako. Fingers crossed, makakatabi ko si Jorge sa bus sa Friday.
Goodluck sa akin!