Monday, January 10, 2005

Ligaya

nakinig ako sa awit ni ben
isang umagang hanap-hanap pa rin
ng lamig sa aking katawan
ang alaala ng aking kapusukan
at kabataan

bakit nga ba, kung kaylan
natagpuan ko'ng muli ang isang iniibig
saka ko naramdaman ang matinding hagupit
ng pag-iisa?

siya na aking minamahal
ay nasa malayo
nakikipag-usap lamang sa pamamagitan
ng mga pindot at tawag ng makina,
bihirang magpakita

mga labing tila asukal
mga matang animo'y tsokolate
mga haplos na mistulang minatamis
ngunit wala ngang init
tanging mga alaala lang
at pagbabakasakali

dapat nga bang ipagpatuloy
sabi nga ni miguel, lahat naman nasasaktan
lahat umiiyak,
lahat nalulungkot

sabi ko, ayaw ko nang mapabilang sa lahat
ako naman, puwede ba
nais ko ring lumigaya

No comments: