Wednesday, September 15, 2004
Bituin
sabi ng Nana Charing sa akin.
Isang gabing muntik nang kainin
ng araw ang buwan sa maliwanag na himpapawid.
Nakasalampak kaming magkatabi sa tapat ng bintana,
habang iniisa-isa niyang inaalis
ang aking mga puting buhok.
Ang iyong ganda ay kaparis ng isang bituin
tuwing nabubugnot ang buwan;
ngunit nananatiling nakatungo sa ulap
kapag nagyayabang ng kanyang iba't-ibang anyo
ang reyna ng mga hatinggabi.
Sa isang sulok ka nakakubli,
naghihintay sa takdang panahon ng iyong pagniningning muli.
Tandaan mo anak.
Huwag pumayag na makalimot ang madla
sa kagandahan mong bigay ng mga tala.
Kung hindi, ikaw ay malilibing
sa bawat liwanag at init ng mga bukang-liwayway.
Umiyak ako sa palda ng Nana Charing.
Kaylan ako magtatagumpay sa aking iibigin?
Tuesday, September 14, 2004
Kay DB
sa iyong sinasabi na akin pa ring ate, ang walang kakupas-kupas na ms. Dina b. (di na bilog? Di na bisaya? Di na binitay? Di na binili? Ah basta dina b.),
sinusubukan ko ngang muling buhayin ang aking natuklasang natatanging talinong paminsan-minsan ko lang pagbigyan, dahil na rin sa ilang panahong pulos pag-ibig ang naging laman ng aking kalooban (mula kay albert hanggang kay ricardo…) kahit na sa ngayon ang tingin ko sa aking sarili pa rin ay nag-iisa. inaamin ko naman na ginusto ko ito. ito ang ibig ko, ang ibig gustuhin. Ano nga ba talaga?
sinasabi ko na nga ba na kapara pala ng aking ginagawa
Hindi pa nasasabi ni maricel sa akin ang balak mong pananatili diyan sa bayan ng mga banyaga. Hindi pa nga kami nagkikita at lubusang nakakapag-usap mula nang lumipad papuntang thailand si tito alfie. Talagang mapapalayo na nang tuluyan ang ating mga katawang lupa sa isat-isa. paano na ang programa mo sa telebisyon? ako siguro ay mananatili pa rin dito sa ating bansa at maghahanap ng mga bagong pelikula na lalabasan. Bihira na ang ibinibigay na papel sa akin dahil matanda na raw ako at wala nang maipapakitang katawan. Ngunit nagkakamali sila diyan. Mas maganda pa nga ang aking katawan, hindi man kasing sariwa…
Sana nga makasunod na sa iyo si maricel sa lalong madaling panahon. Alam kong kayo na hanggang sa kaylanman. Marami nang karanasan kayong napasukang dalawa at marami pang pupuntahang istorya. Pagpalain kayong dalawa.
Ako naman, di na siguro pupuwede sa isang lesbiyanang relasyon. Hindi ko talaga kaya yun. isa pa, ang dati kong babasaging puso ay naging bato na. buhay na buhay na bato.
Iyon lang ngayon ang masasabi ko. Salamat sa mahaba mong liham.
Galing sa natatanging maganda sa dakong ito,
kookie! (Ng ina mo)
p.s. ang hinihingi mong script ng pinakabago kong pelikula ay sa susunod kong sulat ko lang maipapadala. Ang password noon ay katulad sa naibigay kong unang kabanata ng aking walang katapusang nobelang na ngayon ay may pamagat nang, “Ang Walang Katapusang Taon”
Monday, September 13, 2004
Killing Poems
-inspired by the upcoming movie: "Angela: The Bading Assasin, A Musical"
1. 'Killing Song'
(1)
I need to be here
i need to kill
i have to be mean
blood has to spill
i have to be strong
this is my choice
soön it will be over
do we have to rejoice
(2)
c'mon, c'mon
let's get this over with
no need to scream
it will be fast and quiet
and when this is done
you don't have to haunt me
this is what i want
i won't even say sorry
(3)
stay close to me
never to let go
no time to run babe
there is no tomorrow
you've given them pain
payback time my friend
this is not personal
this business is my game
Chorus:
don't think you can run away
i'm getting better at this
but am i finally healing
when you suck your last breath?
2. ‘Alone’
1)
It’s been a while here
Alone in my salon
I’ve been waiting
For pain to subside
But I feel it
Still inside my heart
My longing for him
Keeps growing wide
2)
Outside this salon
There is a world
Living a lie
Trying to stay alive
But I’m here dying
Trying to be strong
Needing to go on
Loving alone
Chorus
I need to fight it
This sadness
I have to hide it
This sorrow
There is still tomorrow
Waiting
There is still the sun
Shining
3)
A day will come
And I’ll be ready
Without you here
I’ll be happy
I feel it now
You’ll be over
I’ll breathe again
There’s no surrender
8 September 2004
3. Angela’s Realization: ’Nagbabagang Luha’ (Version 2)
1)
Hinangad kong labis ang iyong pag-ibig
Dahil nararapat na ika'y mahalin
Tayo ngang dalawa ay sa isat-isa
Puso'y magkarugtong hanggang sa dambana.
2
Kahit na noong una, di kita pinansin
Sinuyo mo ako para ika'y ibigin
Sa tagal ng panahon na tayo'y nagsama
Walang katapusang langit, ang aking nadama
Chorus 1
Kaya nga naglaho sa aking akala
Na biglang magising na ika'y wala na
Dibdib ko'y nawarak, luha'y nagbabaga
Mundo ko'y huminto, wala na ang saya
3
Higit pa sa buhay sa’yo ay binigay
Tunay na ang puso sa’yo ay inalay
Sa tagal ng panahon nating magkasama
Totoong ikaw lang ang aking ligaya
Chorus 2
Kaya nga nawala sa aking hinagap
Biglang pagkatunaw ng isang pangarap
Puso'y nag-aapoy, bakit nagdurusa
Nagbabagang luha, upos na'ng ligaya
Bridge
Sa kabila ng lahat ng luha at pait
Ako ay babangong may poot sa dibdib
Dugo mo'y dadanak, puso’y igaganti
Papatayin kita, ako’y magwawagi.
4. Angela’s Love: “Dahil Ikaw Lamang” (Version 2)
Chorus 1
Dahil tanging ikaw ang tunay kong mahal
Ang araw sa dilim ng payak kong buhay
Ang tanging ligaya sa kawalan ng kulay
Ikaw ang pangarap hanggang sa kailanman
1
Noong una pa lang na ika’y nakita
Puso ko’y nagdiwang sa taglay mong ganda
Isang kasagutan sa aking paglimot
Sa nagdaang dusa, di na matatakot
2
Akala ko nga noon di na madarama
Walang katapusang tunay mong pagsinta
Ikaw na bituin sa gabi’y kapiling
Ang galak sa dibdib ng pusong malihim
Chorus 2
Dahil ikaw lamang ang tangi kong irog
Anghel na bantay ko sa aking pagtulog
Tunay na pag-ibig ng sawi kong buhay
Ikaw ang kapiling hanggang sa mamatay
3
Nang ika’y dumating bumalik ang saya
May kinang na’t sigla hapdi sa’king mata
Busilak mong dibdib hatid sa’ki’y ngiti
Ang iyong kapara gintong bahaghari
Bridge
Ikaw ang hangin ko sa aking paglipad
Ang apoy sa dibdib sa aking paglayag
Kahit tinig mo lang kayakap sa gabi
Ikaw aking sinta ang lambing sa labi
14 September 2004
5. ”Ganda”
1)
Magandang umaga sa mahal na madla
Pasok kayong lahat, halina magpaganda
Sa bongga kong parlor inyong ibandera
Byuti’y wag itago, sa otaw ipakita
Chorus
Ilabas, isambulat sa lahat
Na ang ganda mo’y likas
Buhok mo’y makintab
Madulas, makislap
Mga kuko’y sadyang
Iyong kinagagalak
Mukha mo’y may ngiti
Di ka kumukupas
3)
Halina ang lahat, ilabas na’ng ganda
Ibandera’ng byuti, mahalin ang sarili
Kung may problema ka, aaliwin kita
Halina kung malungkot, tayo nang magsaya
Bridge
Mukha ay gaganda, Dito na magpabyuti
Magwaldas ng ngiti mahalin ang sarili
Ano pa ba ang hahanapin sa iba
Sabaysabay tumawa, ating lahat ang ligaya!